
Upsilon Sigma Phi World Reunion
|
 |
Josie Natividad '57
Ito po ay isang pagkilala na may pagpapasalamat sa lahat ng mga kinauukulang Upsilonian at Sigma Deltan na nagtatanong kung ano ang ibig sabihin/kahulugan ng OTSO OTSO (88).
Isang karangalan na pinaaabot sa inyong kaalaman na ang OTSO OTSO ay tumutukoy sa ika-88 taong anibersaryo ng dakilang Kapatirang UPSILON SIGMA PHI sa taong 2006. Bilang masayang tradisyon at pagpapahalaga sa nasabing anibersaryo ay muling magdiriwang ng Upsilon World Reunion. Ang magiging punong abala (Host) ay ang USPNA-Sangay Toronto (Toronto Chapter). Ito po ay tatawaging/tataguriang . . . . .
"OTSO OTSO SA TORONTO"
Ang salitang otso ay mula sa kastilang bilang na ocho (8) na binaybay (spelled) sa wikang Pilipino. Malawak at marami rin po ang pakahulugan sa salitang OTSO OTSO sa isasagawang muling pagsasama-sama/pagkikita-kita (reunion) na mga lihim o sekreto sa ngayon. Hinihiling po sa inyong lahat na pagbigyan o paunlakan ang aming taus-puso at mahigpit na kapatirang paanyaya na daluhan ang naiibang Pangdaigdig na Reunyon ito. Sa ganoon, inyong personal na masasaksihan, malalaman at mararanasan na kasama ang inyong mga Brods/Sis na ka-chapter, kabatch, "tatangs" at dating mga "master" noong tayo ay mga "amuyong" pa.
Ang "OTSO OTSO SA TORONTO" ay pasisimulan po sa ika-8 araw ng ika-8 buwan (Agosto) sa taong 2006 (2+0+0+6=8) na ang suma ay otso (8). Kung inyo pong bibilangin ang pantig (syllable) ng OT-SO OT-SO SA TO-RON-TO ito rin po ay may kabuuang bilang na otso (8). Sa Chinese Fung Shui at numerologist, ang bilang na Otso (8) ay swerte o buenas na bilang. Kaya po kung hangad ninyong swertihin o buenasin . . . . .
"Tayo na sa Toronto at doon matipon-tipon tayo
Bukod pa sa mga swerte, buenas at sugal na panalo
Mga kabatch na Brods at Sis, inyong makakahalubilo
Kapag napasarap sa inuman ang lakad Otso Otso.
Ooppss nadulas, isa lang sa mga Otso Otsong sikreto
Kaya't ngayon palang ekisan(X) 2006 na kalendaryo."
Maraming salamat po sa inyong pagkaunawa at kapatirang pagpapaunlak.
MABUHAY!! UPSILON SIGMA PHI MABUHAY!!
Umaasa po sa inyong malugod na pagpapaunlak at pagdalo.
Pagpalain nawa po tayong lahat ng Panginoong Diyos nang lakas at kalusugan na ating kinakailangan sa araw-araw.
OTSO OTSO SA TORONTO