click to go to www.upsilon.com

Upsilon Sigma Phi World Reunion  

Home | Events Schedule | Event Registration | Contact Us

 

Upsilon Otso Otso sa Toronto

by Josias "Josie" Natividad '57

UPSILON57

01enero2006, CANADA

 

U miikot ang mundo nang di man lang namamalayan

P anahon ay ayon naman kung saan naninirahan.

S umisikat ang araw doon sa may dakong silangan

 I law sa dilim ng kalawaka'y bituin at buwan.

L umilipas ang araw at gabi sa kinabukasan

O ras, araw, buwan sa tangkay ng panaho'y nagdaan

N gayon nga ay taong DOS MIL SAIS na sa sanglibutan. 

 

O tsentay otso anyos na ang Kapatirang Upsilon

T unay na matatag at nagpapatuloy sa pagyabong.

S alamat sa mga "Founder" sa magandang pakay at layon

O brang sinimula'y lumago sa hampas ng daluyong. 

 

O kasyong Upsilon World Reunion tuwing dalawang taon

T ayo na sa Toronto at doon ay magtipon-tipon

S ama-samang ipagdiwang makasaysayang tradisyon

O portunidad sana'y sunggaban habang may panahon.

 

S undan nagkakaisang plano ng kapwa Upsilonian

A nyaya ng USPNA, Tsapter ng Toronto ay pagbigyan.

 

T utungo sa Toronto na may sigla at kagalakan

O bserbasyon ng isang Kapatirang kaugalian

R eunyong Pangmundo ng mga nagkalayong Upsilonian.

O ras magkita'y walang puknat na yakap, kumustahan

N akahanda sa Piknik sa Isla, Boat Cruise at Kambingan 

T ampok ang Frat Ball, formal dinner, inumang may kant'yawan 

O kasyo'y tila ba wala nang wakas sa kasayahan.